Target ng pamahalaan na maging halal-friendly hub ang Pilipinas sa buong Asia-Pacific.
Sinabi ni Aleem Siddiqui Guiapal, ang program manager ng Halal Industry Development ng DTI, ang naturang plano ay bahagi ng Philippine Halal Industry Development Strategic Plan sa ilalim ng Bagong Pilipinas ng administrasyong Marcos.
Sa ilalim ng naturang plano, pagsusumikapan ng DTI na makalikom ng 230 billion pesos na investment sa susunod na apat na taon, na inaasahang makakalikha ng 120,000 na trabaho sa buong Pilipinas.
Mula naman sa kasalukuyang tatlong libong halal output at halal-certified products na ini-export, plano ng ahensya na madagdagan ito ng 20% kada taon o anim na libo sa taong 2028.
Ilan naman sa mabentang halal product na nailalabas natin sa bansa ay saging, pinya, dried mangoes pati na beauty and make-up.