Kabilang ang Pilipinas sa mga bansang nasa listahan ng top remote work hubs sa buong mundo.
Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), pangpito ang Pilipinas sa Nomad List sa isang international remote work platform.
Sinabi ng PCO, na aktibo ang kasalukuyang adminstrasyon sa panghikayat sa mga dayuhang negosyante at mga mamumuhunan sa bansa.
Bukod pa rito ang mga ipinatupad na reporma ng gobyerno para sa mas mabilis na proseso sa pagtatayo ng ngeosyo at ang pinaigting na infrastructure development at digitalization ng bansa.
Ang mga bansang kabilang sa fastest growing remote work hubs ay ang Tokyo, Japan; Danang, Vietnam; Seoul, South Korea; Kuala Lumpur, Malaysia; Penang, Malaysia; Montevideo, Uruguay; Hanoi, Vietnam; Ho Chi Minh City, Vietnam at Ljubljana, Slovenia.
