Nakapag detect ng ng 613 na mga bagong kaso ng highly-transmissible Omicron subvariants ang Department of Health.
Sa COVID-19 biosurveillance report, binanggit ng ahensya na mayroong 694 samples ang isinailalim sa pagsusuri ng University of the Philippines-Philippine Genome Center noong January 28.
Mula sa kabuuang samples, 252 o 36.31 percent ang inuri bilang BA.2.3.20; 201 o 28.96 porsyento bilang XBB; 25 o 3.6 percent bilang BA.5, 15 o 2.16 percent bilang XBC; dalawa o 0.29 percent bilang BA.2.75; at 118 o 17 percent bilang iba pang Omicron sublineages.
Ayon sa DOH, lahat ng karagdagang kaso ng BA.2.3.20 at XBB ay mga lokal na kaso mula sa lahat ng rehiyon maliban sa Eastern Visayas, Northern Mindanao at Davao Region.
