Pilipinas, ika-8 mula sa 10 bansa sa ASEAN vaccine rollout

Tumungtong sa ikawalong pwesto ang Pilipinas mula sa sampung Southeast Asian nations pagdating sa pagbabakuna ng buong populasyon nito habang pangalawa naman sa vaccine deployment laban sa COVID-19.

Base sa datos na ibinahagi ng international think tank na Our World in Data ngayong buwan ay makikita na nagawa ng Pilipinas na mabakunahan lamang ang 4.23% ng total population nito as of June 8.

Read More:  Imee Marcos questions President’s ‘don’t panic’ remark

Nangunguna naman sa listahan ang Singapore, na may ikalawang pinakakonting populasyon sa buong rehiyon, kung saan ay nabakunahan na ang 42.8 percent nito.

Read More:  Escudero says he would decline VP post if Sara Duterte is removed

Sumunod naman ang Cambodia na may 16.72 percent at Brunei, na least populated country sa rehiyon, na may 11.37 percent.

Samantala, kasunod naman ng Pilipinas sa ika-9 at ika-10 pwesto ang Myanmar at Vietnam kung saan ay umabot sa 3.26 percent at 1.40 percent ng kanilang populasyon ang nabakunahan.