‘Pikoy’, Morales – pina-contempt ng Senado

‘You are lying’

‘yan ang mariing sabi ni Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs, Chairperson, Senador Ronald Bato Dela Rosa kay Eric ‘Pikoy’ Santiago.

Ito ay matapos ang naging pagkwestyon niya rito tungkol sa naging pahayag nitong mayroong threat sa buhay ni dating Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) agent, Jonathan Morales.

Read More:  Comelec issues subpoena to contributor in Escudero’s election campaign

Sa nasabing usapan ng dalawa, ipinunto ng senador na hindi siya naniniwalang kathang isip lang din ni Pikoy ang mga nauna niyang pahayag.

Anya, palusot at diskarte lang ito ni Pikoy upang makatakas.

Alinsunod nito, bagamat ilang beses itinanggi ni Pikoy na niloloko niya ang komite ay napagdesisyunan ni Dela Rosa na ipa-cite in contempt na ito na siyang sinuportahan naman ni Senador Jinggoy Estrada.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Samantala, bago matapos ang pagdinig, pina-cite in contempt na rin ng komite si Morales dahil sa paiba-iba nitong pahayag.

Maalala, ang isyu sa PDEA leak ay umiikot sa paglabas ng di umano’y confidential document mula sa PDEA na nag-uugnay sa Pangulo at sa aktres na si Maricel Soriano sa drug-use allegation.