PHO pinag-iisipan nang lumikha ng pertussis “fast lane” sa mga ospital sa Camarines Norte

CAMARINES NORTE – Pinag-iisipan na ngayon ng Provincial Health Office ang paglalagay ng pertussis “fast lane” bilang anticipation sa posibleng pagkakaroon o pagdami ng mga kaso nito sa mga susunod na araw.

Bagamat wala pang kumpirmadong kaso ng sakit na pertussis sa lalawigan,  sinabi ni Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco na mas mainam ang maagang paghahanda para dito.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Sa panayam ng Brigada News FM Daet kay Dr. Francisco inihayag nito  na kap[ag mayroon nang express lane para sa may sakit na pertussis ay kailangan itong bigyang prioridad.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Aminado si Francisco na kaya maglalagay ng fast lane ay dahil walang bakuna ngayon kontra pertussis at kinakapos din ng suplay maging sa ibang lugar.

Pinaigting rin umano ng PHO ang case surveillance.