PHO nagpaalala sa publiko sa gitna ng unti- unti na namang pagtaas ng mga kaso ng COVID- 19 sa Camarines Norte

CAMARINES NORTE- Nagpaalala ang Provincial Health Office sa publiko hinggil sa unti- unti na namang pagtaas ng mga naitatalang kaso ng COVID- 19 sa Camarines Norte.

Ayon kay Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco hindi dapat maging masyadong confident kapag nakakaranas ng sintomas tulad ng sipon at ubo na madalas ay ipinagpapalagay na normal lang.

Aniya importante pa rin ang ibayong pag iingat upang maiwasan ang hawaan ng sakit at magsisi sa  bandang huli.

Muli ring nagpaalala si Francisco sa mga hindi pa nababakunahan na magpabakuna na upang maiwasan ang severe o critical case ng COVID- 19.

Partikular na hinimok ng doctor na magpabakuna ang mga matatanda at mayroong comorbidity.

“Doon sa mga hindi pa nabakunahan ito po ay sinasabi ko sainyo baka kayo ay mahawaan at kayo po ay magkaroon ng severe o critical case of Covid at sasabihin natin tayo po ay nahuli o may pagsisisi dahil hindi tayo nabakunahan ito po ang siguro kaparaanan din para malaman niyo na ang Covid po ay hindi po tapos ano at parang nagsisimula uli at kaya nga ini encourage ko kayo yung mga hindi pa nababkunahan yung mga magatanda yung mga school age people natin, yung mga adult natin lalong lalo na yung mga comorbid ano,” ani Francisco

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

“Kayo po’y pumunta sa inyong mga bakunahan sa inyong mga RHU dito sa amin sa provincial hospital para kayo po ay mabakunahan at mailigtas kayo dun sa severe o critical case of Covid at hindi na kayo magkaroon ng sabihin nating pasanin patungkol sa Covid ano at mahirap mag -isip kapag kayo po ay na -admit dito at kayo po may Covid.”

Nagpahayag rin ng kahandaan ang opisyal sa napipintong re- activation  ng Incident Management Team sa gitna ng inaasahang muling pagtaas ng mga kaso.

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

Aniya, nakahanda silang ipatupad ang mga protocol alinsunod sa magiging kautusan ni Governor Dong Padilla.

Kahapon ay nagpatawag ng pagpupulong ang Gobernador para pag usapaan ang sitwasyon ng lalawigan patungkoL sa COVID- 19 at African Swine Fever (ASF).

Inaasahang maglalabas ng Executive Order ang Gobernador hinggil sa muling pagbuhay sa IMT.

Sa ngayon ay mayroong walong aktibong kaso ng COVID- 19 sa lalawigan makaraang makapagtala ng mga panibagong kaso nitong Lunes.

“Sasabihin naming yan sa ating mahal na gobernador at bahala na siya kung paano niya kami utusan at kami naman ay laging nadiyan para sundin ang kaniyang kautusan patungkol  sa mga protocol dito sa loob ng ating probinsiya.”