PHO hinimok ang mga Cam Norteño na makiisa sa isasagawang National Vaccination Days sa Disyembre

CAMARINES NORTE- Hinimok ng Provincial Health Office ang mga Cam Norteño na makiisa sa isa pang round ng National Vaccination Days na gagawin sa Disyembre 5- 7 ng taong kasalukuyan.

Ito ay upang mahikayat ang mas maraming tao na magpabakuna lalo na ng booster shots kontra COVID- 19.

Ayon kay Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco, iba pa ito sa nagpapatuloy na Barangayang Suyod Bakuna (BSB) na nagsimula noong Nobyembre 14 na magtatapos naman ng Disyembre 16.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Kaugnay nito ay hinimok ni Francisco lalo na ang mga hindi pa nagpapabakuna na magpabakuna na upang maprotektahan sa malalang pagkakasakit na dulot ng COVID- 19.

Sa ngayon naman ay patuloy umano ang ginagawang BSB sa mga bayan ng Daet, Mercedes, Labo, Paracale at Jose Panganiban kung saan sinusuyod ng mga health worker ang mga kabahayan para magbakuna.

Batay sa pinakahuling datos ng Provincial Covid- 19 Vaccination Operation Center hanggang nitong November 24, nasa 82. 3 percent na ang vaccination coverage sa lalawigan.

Read More:  Possible tawas, not shabu, found in Bacolod student’s bag, police say

Nasa 75 . 8 percent naman ang nabakunahan sa senior citizen at 93. 1 percent sa 18- 59.

Sa pediatric population naman edad 12- 17 ay nasa 111. 3 percent  ang vaccination coverage at 21. 5 percent naman sa 5- 11.

Mababa pa rin ang nababakunahan ng booster shot na nasa 11. 0 percent pa lang.