Lalaki, binaril sa bayan ng Cuyo Palawan

Sugatan ang isang Don-Don Villacarlos, 30 anyos matapos na barilin bandang alas- dos kwarenta ng umaga nitong Huwebes, ika-24 ng Nobyembre 2022 sa Barangay Cabigsing, Cuyo Palawan.

Kinilala ng Pulisya ang suspek sa pamamaril na si Teofisto Torres, 34 anyos na residente ng Barangay Bancal, Cuyo habang ang isa ay hindi pa nakikilala.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Sa imbestigasyon, nakatayo ang biktima sa harap ng Charlie Marketing nang siya’y barilin ng mga suspek na tinamaan ng bala sa likod at kanang bahagi ng dibdib.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Isinugod sa Cuyo District Hospital ang biktima habang agad naaresto si Teofisto Torres ng Cuyo Police pero pinaghahanap pa umano ang isa nitong kasama.

Samantala, inaalam pa ang motibo sa pamamaril.