PhilSys registration ng mga 5 years old pababa, nagsimula na

KORONADAL CITY – NAGSIMULA na ang registration ng Philippine Statistics Authority o PSA 12 sa mga kabataang may edad 0 hanggang 4 years old sa Philippine Identification System o PhilSys.

Ayon sa PSA 12, kailangang ang mga magulang o guardian ng mga magpaparehistro ay rehistrado din sa PhilSys at mayroon ang mga itong PhilSys Card Number o PCN.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Layon nito na ma-link ang datos ng bata sa kanyang mga magulang.

Upang marehistro ang mga 5 years old pababa, kailangan lamang ang PSA o LCR birth certificate nito at presensya ng parent o guardian at kanilang PhilID card. Sa mga gustong magparehistro ng kanilang mga anak, magtungo lamang sa mga PhilSys fixed registration centers.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors