Inihayag ng Philippine Space Agency na posibleng bumagsak ang mga debris mula sa Chinese rocket, malapit sa Cagayan at Ilocos Norte sa northern Luzon.
Ayon sa PhilSA, ang Long March 7A (CZ-7A) rocket ay inilunsad mula sa Wenchang Space Launch Center sa China, kahapon bandang alas 9:19 p.m. (Manila time).
Dagdag ng ahensya na naberipika nila ang estimated drop zones ng rocket debris mula sa abiso ng Civil Aviation Administration ng China.
Sa isang advisory, sinabi ng PhilSA na dalawa ang natukoy na drop zones sa loob ng teritoryo ng Pilipinas batay sa NOTAM, kung saan ang drop zone 1 ay tinatayang nasa 71 kilometers mula sa Burgos, Ilocos Norte, habang ang drop zone 2 ay nasa 52 kilometers mula sa Sta. Ana, Cagayan.
Babala ng ahensya, na ang pagbagsak ng mga rocket debris ay maring maging delikado para sa mga barko, aircraft, fishing boats, at iba pang vessels na dadaan sa drop zones, pero malabo naman umanong bumagsak sa mga inhabited areas o land features.
