Philippine Red Cross, nilinaw na hindi magbebenta ng Moderna vaccine

Nilinaw ng Philippine Red Cross na hindi sila magbebenta ng kanilang biniling Moderna COVID-19 vaccine dahil hindi naman nito linya ang selling ng bakuna o gamot.

Sinabi ni PRC Governor Carissa Concolluela, ang kanilang biniling Moderna vaccine ay i-aalok sa mga miyembro at donor na handang sagutin ang halaga ng vaccine.

Ayon kay Coscolluela, walang inanunsyo si PRC Chairman at Senator Richard Gordon na magbebenta sila ng bakuna at sa katunayan ay inihayag nito ang pangangailangan na bilisan ang pagbabakuna sa mas maraming tao.

Read More:  Ombudsman complaint filed vs ES Ralph Recto over alleged ₱167-B fund transfers

Inihayag ni Coscolluela na ibibigay nila ang bakuna sa mga miyembro na handang sagutin ang halaga ng bakuna na nabili ng $26.83 per dose habang isasama sa computation ang presyo ng syringe na gagamitin, gloves, PPE, meal allowance ng mga doktor at nurses na mag-a-administer ng bakuna at iba pang essential expenses.

Read More:  Sen. Pia Cayetano moves on after viral Senate emotional speech

Giit ni Coscolluela na isang humanitarian organization ang PRC at hindi sila kasama sa business ng pagbibenta ng bakuna pero kailangan din nila ng pamalit sa pagbili ng Moderna vaccine.

Nilinaw naman ni Coscolluela na hindi naman sila nagpapabayad sa mga nakuha nila nang libre. // LEO NAVARRO-MALICDEM