Philippine Medical Association, nilinaw na walang Omicron subvariant sa Batangas

Nilinaw ng Philippine Medical Association (PMA) na wala silang inilabas na pahayag o sinabi kahapon na mayroon nang kaso ng Omicron subvariant ng covid-19 sa Batangas.

Sa panayam ng Brigada NewsFM Batangas, mariing iginiit ni PMA President Dr. Benito Atienza na wala silang kakayahan at karapatan na maglabas ng impormasyon hinggil sa mga variant ng covid-19 na nadedetect sa bansa.

Read More:  PNP to deploy more personnel around Senate amid political tensions

Aniya, ang Department of Health (DOH) lamang maging ang Research Institute for Tropical Medicine (RITM) ang pupwede at otorisadong magbigay ng impormasyon ukol sa covid-19 variants.

Binigyang diin ni Atienza na ang tangi lamang naman nyang sinabi sa naturang panayam sa Laging Handa Public Briefing, ay may dalawang bagong kaso ng covid-19 ang naitala sa ilang ospital sa Batangas.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Nagpaalala lamang aniya siya na kailangan pa ring mag-ingat dahil sa bagong subvariant ng Omicron.

Sa katunayan aniya ay nakipag-ugnayan na rin sa kanila ang Provincial Health Office ng Batangas para linawin ang naturang isyu.

Una na ito ay mariing pinabulaanan kahapon ng DOH-Calabarzon na walang kaso ng Omicron subvariant sa Batangas maging sa buong Region 4A.(CLAY MARQUEZ)
#