Philippine competition commission, nagbukas ng investigation station ( I- STATION) sa Legazpi City

LEGAZPI CITY- Binuksan kahapon June 2, 2022, ang Investigation Station o I-Station ng Philippine Competition Commission (PCC) sa Southern Luzon na matatagpuan sa National Economic and Development Authority (NEDA) Regional Office sa Legazpi City. Nauna nang binuksan ang I-Station sa North Luzon (Baguio City) noong nakaraang taon.

Ang Philippine Competition Commission ay ang ahensya ng gobyerno na inatasang ipatupad ang Philippine Competition Act at ang pambansang patakaran sa kompetisyon. Itinatag noong Pebrero 2016, ang PCC ang pangunahing awtoridad sa mga usaping may kinalaman sa kompetisyon sa bansa.

Ayon kay Atty. Emerson Aquende at Commissioner ng PCC, kabilang sa mga sinisiguro ng ahensya ay maiwasan ang mga anti-competitive na kasunduan na siyang pumipigil, naghihigpit o nagpapababa ng kumpetisyon gaya ng price fixing, output limitation, market sharing at bid rigging.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Ang i-Station na ito ay magsisilbing pansamantalang workstation para sa mga tauhan ng PCC hanggang sa magbukas ito ng permanenteng opisina sa rehiyon.

Ang pagtatatag ng i-Stations ay isang tugon raw sa lumalaking pangangailangan para sa mas malakas na kompetisyon sa pagpapatupad ng batas at adbokasiya sa mga panrehiyonal na lugar. Ang pagpapatakbo ng mga hub na ito ay hindi lamang magpapadali sa pagsasagawa ng mga pagsisiyasat, kundi pati na rin ng mas mahusay na koordinasyon sa mga ahensya ng pamahalaang pangrehiyon at mas epektibong paghawak ng mga reklamo at mga katanungan.

(“Ang pagpapalakas ng aming mga operasyon sa Bicol sa pamamagitan ng Legazpi i-Station ay magpapataas ng kumpetisyon sa pagpapatupad ng batas at mapadali ang mas malakas na pakikipag-ugnayan sa mga lokal na komunidad. Ang satellite office na ito ay magbibigay-daan sa amin na direktang kumonekta sa aming mga regional stakeholders at partners sa gobyerno,” sabi ni PCC Chairperson Arsenio M. Balisacan.)

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Nagsagawa rin ng Multisectoral Forum sa Legazpi City kasunod ng paglulunsad ng i-Station kasama ang mga lokal na negosyo, grupo ng mga mamimili, at iba pang mga stakeholder upang talakayin ang pagpapatupad ng batas sa kompetisyon at ang Pambansang Patakaran sa Kumpetisyon.

Pagkatapos ng Legazpi City, target ng PCC na magbukas ng dalawa pang i-Station sa ikatlong quarter ng taon sa Visayas (Cebu City) at sa Mindanao (Davao City).