Nakikiusap ang Environmental Sanitionand Management Office ng Olongapo City sa publiko na unawain ang sitwasyon ngayon ng opisina.
Ito ay dahil sa pagkakaantala ng paghahakot ng basura ng ESMO sa ilang lugar sa lungsod dahil mayroong mga trucks ang kasalukuyang inaayos pa.
Ayon kay Engr. Lorelie Ricasa ng ESMO, apat na compactor at isang dump truck ang may sira kaya pito lang sa ngayon ang kanilang nagagamit na dapat sana ay labindalawa kada araw.
Sa kabila nito, maliban sa araw ay naghahakot na rin ang mga tauhan ng opisina kahit gabi sa ilan pang mga lugar.
Hiling ni Ricasa sa publiko ang pang-unawa lalo na sa mga lugar na nagkakaroon ng delay sa paghahakot.
Samantala, ngayong buwan o sa Hulyo ay inaasahan naman ang pagdating ng tatlong bagong compactor truck na binili ng City Governement.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
