Philippine Coast Guard at Chinese Coastguard, mainit ang paghaharap sa West Philippine Sea

Naging mainit ang paghaharap ng mga Philippine Coast Guard at Chinese Coastguard sa mga bahurang nakapalibot sa West Philippine Sea.

Nitong April 18-24, 2023 ay nagsagawa ng pitong-araw na maritime patrol ang PCG sa Sabina Shoal, Iroquis Reef, Lawak, Patag, Likas, Parola, Pag-asa, Tizzard Bank, Julian Felipe Reef at sa Ayungin Shoal.

Sa kanilang misyon, nakaharap nila ang 100 alleged Chinese Maritime Militia vessels, isang People’s Liberation Army Navy corvette class at dalawang China Coast Guard vessels.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Ang labingwalong (18) Chinese maritime militia vessel na namataan malapit sa Sabina Shoal ay hindi umano tumugon sa mga radio challenges na ginagawa ang Philippine Coast guard.

Nitong April 21, nagsimula ang engkuwentro nang hamunin umano ng Chinese war ship ang presensya ng PCG vessels sa radyo at inatasan silang umalis sa lugar.

Ang hukbong pandagat ng China ay nagbigay ng babala sa PCG, na nagmumungkahi na ang hindi pagsunod ay maaaring “magdulot ng problema.”

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Sa kabila nito, hindi umatras at tumugon ang mga sasakyang pandagat ng PCG sa pamamagitan ng paggiit ng kanilang karapatan na magsagawa ng operasyon sa loob ng territorial sea ng Pag-asa Island.

Gayunman, ipagpapatuloy pa rin ng Philippine Coast Guard, Western Command (WESCOM) of the Armed Forces of the Philippines (AFP), at ng Area Task Force – West (ATF-WEST), ang maritime patrol sa pinag-aagawang teritoryo.