Philippine Army, itutuloy ang legal actions laban sa 2 aktibista kasunod ng kahilingan ng mga ito ng protective writs sa SC

Iginagalang daw ng Philippine Army ang kahilingang protective writs sa Korte Suprema ng dalawang environmental activists na sina Jonila Castro at Jhed Tamano.

Sa isang pahayag, sinabi ni Philippine Army spokesperson Col. Xerxes Trinidad, iginagalang ng kanilang hukbo ang karapatan nina Castro at Tamano alinsunod na rin sa batas.

Sa kabila nito, hindi aniya ito nangangahulugang matitinag ang militar sa pagsasagawa pagsasagawa ng legal actions laban sa dalawa.

Nanindigan din ang Philippine Army na mananatili itong tapat sa kanilang mandato na maglikod sa ating bansa.

Maaalalang , hiniling ng dalawa sa Supreme Court na maglabas ng writ of amparo at writ of habeas data laban sa Philippine Army, PNP at iba pang ahensiya ng pamahalaan.

Inihain nila ang dalawang writ dahil sa takot sa kanilang kaligtasan lalo pa at alam ng mga respondents kung saan sila at kanilang pamilya mahahanap.

Nauna nang napaulat na nawala at dinukot umano ang dalawa noong Sept 2 sa Orion, Bataan.

Nitong nakaraang linggo, sinabi ng NTF-ELCAC na sumuko sila Tamano at Castro sa 70th Infantry Battalion.

Ngunit sa idinaos na press conference , itinanggi ng dalawa na sila’y sumuko bagkus sila umano ay dinukot ng militar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *