Philhealth, pinag-iingat ang publiko sa mga online scam, ngayong nalalapit na kapaskuhan

Naglipana ang mga online scam na tila maagang namamasko sa kanilang mga nabubudol gamit ang iba’t ibang uri ng panloloko online.

Kaugnay nito nagbabala ang pamunuan Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa publiko na mag-ingat sa mga website na binibisita at lalong-lalo na sa mga personal information na kanilang ibinibigay.

Read More:  Lacson: online participation may not be allowed in impeachment trial

Ayon sa Philhealth, ang isang lihitimong ahensya, respected entities kayagan ng mga bangko ay hindi kailanman hihingi ng paulit-ulit ng mga sensitibong imposmasyon lalo na kung ito’y online transaksyon na dapat tandaan ng sambayanan para makaiwas sa panloloko.

Read More:  Sen. Gatchalian says he is ready if chosen as SP

Inilahad naman ng nasabing health insurer ang ilan sa kadalasang detalye na kinakailangan ng mga scammer kagaya ng password ng online accout, email, birthday, valid identification numbers, impormasyon sa debit o credit card at ilan pang personal identification.