Philhealth, nakaantabay sa direktiba ni PBBM hinggil sa premium contribution hike

Inaantabayan na ng PhilHealth ang magiging desisyon ni Pangulong Bongbong Marcos, kaugnay sa rekomendasyon ni Health Secretary Ted Herbosa na suspendihin ang pagpapatupad ng 5% contribution hike ngayong taon.

Sa Bagong Pilipinas Program, sinabi ni Corporate Affairs Group at acting Vice President ng PhilHealth na si Rey Baleña, iginagalang nila ang pananaw ni Secretary Herbosa.

Read More:  DFA stands firm on Foreign Service integrity amid Remulla’s visa issuance criticism

Nagsagawa na rin anya ng board meeting ang Philhealth at inaantay nila sa ngayon ang tugon ng board secretariat hinggil sa mga agreements na napagkasunduan.

Read More:  Business group warns of economic risks in Jing Quan dispute

Una nang sinabi ni Presidential Communications Office Secretary Cheloy Garafil na pinag-aaralan na ng Pangulo ang naturang usapin.