Magbibigay si Philadelphia Mayor Jim Kenney ng 20,000 dollars na reward kaugnay sa pagpatay kay Atty. John Albert Laylo.
Ayon kay Philippine Consul General Elmer Cato, ibibigay ito sa sinumang makapagtuturo sa kinaroroonan ng suspek.

Sinabi ni Cato na sisiguruhin ng naturang mayor doon na magkakaroon ng hustisya ang pagkamatay ng nasabing abugado.
Samantala, nagsilbing legislative staff si Laylo ni Senator Leila de Lima simula 2016 hanggang 2018.
(ARGIE ERGINA)