PH, nakapagtala ng 20,745 new COVID-19 infections; active tally nasa 180,293 na

Nakapagtala ang bansa ng 20,745 bagong COVID-19 infections, habang ang bilang ng mga active cases ay lumagpas na ng 180,000.

Ayon sa Department of Health (DOH),  dahil sa mga bagong kaso, pumalo na ang total case count sa 2,248,071.

Read More:  House Prosecutors hail subpoenas for VP Sara Duterte records

Umabot naman na sa 2,032,471 ang total recoveries, matapos na gumaling ang 22,290 pang pasyente.

Samantala, nasa 35,307 na ang kabuuang bilang ng nasawi sa nasabing virus matapos makapagtala ang bansa ng 163 bagong fatalities. 

Read More:  Palace says VP Sara’s alleged threat involves national security

Ang positivity rate ay nasa 26.7 percent kung saan 71,860 na tests ang naisagawa. 

Mababatid na ang International standard ay less than 5%.