Umabot na sa 2,434,753 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa bansa matapos na makapagtala ng 17,411 na bagong kaso ngayong araw.
Ayon sa Department of Health (DOH), dahil sa mga bagong kasong naitala, nasa 165,790 na ang aktibong kaso sa bansa.
Sa bilang na ito, 95% ang mild o asymptomatic, 2.73% ang moderate, at 0.7% ang nasa kritikal na kondisyon.
Umabot naman sa 2,231,558 ang total recoveries matapos na madagdagan ang gumaling ng 14,090.
Samantala, tumaas sa 37,405 ang kabuuang bilang ng mga nasawi dahil sa nasabing sakit matapos makapagtala ng 177 na bagong fatalities.
Inabisuhan naman ng DOH ang mga residente ng Metro Manila dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso rito nitong nagdaang mga araw.