Nakarating na sa bansa ang 940,680 doses na bakuna na binili ng gobyerno sa vaccine manufacturer na Pfizer.
Sa bilang na ito 811,980 doses ang dinala sa cold-chain facility ng Pharmaserv Express sa Marikina City, habang ang natitirang 128,700 doses naman ay ipinadala sa Cebu.
Inaasahan namang darating sa bansa ang karagdagan pang 1.772,500 Pfizer vaccine sa Biyernes ng gabi, at dadalhin sa Pharmaserv Express na siyang national cold-chain at logistic partner ng Pilipinas.