PH, nakahandang tumulong sa Turkey at Syria matapos ang 7.8 na lindol

Nakahanda ang Pilipinas na tumulong sa Turkey at Syria matapos ang malakas na lindol na tumama sa dalawang bansa.

Sa isang tweet , sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ipapaabot ng bansa ang anumang tulong na magagawa nito matapos ang 7.8-magnitude na lindol na nagdulot ng maraming pagkamatay at pagkawasak ng mga imprastraktura sa mga nabanggit na bansa.

Read More:  Political vlogger Mimaa Alicia killed in Caloocan shooting

Iniulat ng Turkey at Syria government na mahigit 1,200 katao ang namatay habang libu-libo ang nasugatan dahil sa malakas na lindol.

Read More:  Romualdez ready to face Ombudsman complaint, says he will answer allegations

Ayon sa US Geological Survey, tumama ang lindol dakong 4:17 a.m. sa lalim na humigit-kumulang 17.9 kilometers malapit sa Turkish city ng Gaziantep.//CA