Hinirang na global ambassador sa FIBA World Cup 2023 ang international icon na si Pau Gasol.
Si Gasol ay kabilang na sa mga alamat ng FIBA basketball habang si Luis Scola of Argentina bilang ambassador naman ng World Cup.
Ang FIBA World Cup ay isang familiar stage para kay Gasol matapos ang kanyang debut noong 2002 sa Indianapolis kung saan tinulungan niya ang Spain na maabot ang ikalimang puwesto habang may average siya na 19 points sa bawat laro.

Sa kanyang huling paglabas sa World Cup sa home soil noong 2014, pinangunahan ni Gasol ang Spain sa anim na sunod na panalo bago pinataob ng France sa quarter-finals.
Sa kabuuan, naglaro si Gasol sa tatlong World Cup, limang Olympics at pitong FIBA EuroBaskets. Tinulungan niya ang Spain na manalo ng silver medal sa 2008 at 2012 Olympics at pagkatapos ay bronze sa 2016 Rio de Janeiro Games.//CA