PH, naitala ang 4,353 new COVID-19 cases; Active cases, bumaba sa 49K

Naitala ng Department of Health (DOH) ang 4,353 na mga bagong kaso ng coronavirus disease 2019, dahilan para sumipa ang kabuoang tally sa 1,372,232.

Hindi naman nakasumite ng kanilang datos ang anim na mga laboratoryo.

Ayon sa DOH, bumaba ang bilang ng active cases sa bansa sa 49,862, na pinakamababa simula noong May 27, kung saan nasa 90.4% pa ang mild, 4.5% ang asymptomatic, 2.1% ang severe, at 1.5% ang nasa kritikal na kondisyon.

Samantala, umakyat naman ang total recoveries sa 1,298,442, matapos gumaling mula sa respiratory disease ang 7,139 pang pasyente, habang 119 ang bagong fatalities, dahilan para tumaas ang death toll sa 23,928. // MHEL PACIA-TRINIDAD