Umalma si Albay Governor Al Francis Bichara sa ulat ng magagaya ang Bicol region sa India kung hindi maipapatupad ang mas mahigpit na COVID-19 protocol.
Ayon kay Bichara, “exaggerated” ang naturang ipinalabas na pahayag.
Una nang pinuna ng medical groups sa Bicol ang lumalalang pagtaas sa mga kaso ng virus dahil sa localized transmission.
Sa joint letter na ipinaabot kay Interior Secretary Eduardo Año, hiniling ng Albay Medical Society, Camarines Sur Medical Society, Philippine Medical Association (PMA)-Bicol, at ng Philippine College of Physicians-Bicol na isailalim ang Albay, Camarines Sur, at Sorsogon sa mas mahigpit na enhanced community quarantine (ECQ), dahil kung hindi ay matutulad ang naturang rehiyon sa India.
Pero ayon sa gobyernador, bagama’t tumataas ang kaso, ang COVID-19 situation sa Albay ay hindi ganoon kaseryoso para mag-shift sa ECQ.
Sa ngayon, ang naturang probinsya ay mayroon pang 1,958 active coronavirus cases. // MHEL PACIA-TRINIDAD