DOJ probe vs mga bangkay mula sa NBP na nadiskubre sa isang punenarya

Natuklasan ng mga imbestigador na nag-iimbestiga kaugnay sa pagkamatay ng Bilibid inmate at umano’y middleman sa pagpaslang kay Percy Lapid, ang nasa 30 pang bangkay sa Eastern Funeral Services sa Muntinlupa City.

Read More:  Sen. Imee Marcos questions Ombudsman’s failure to suspend NBI Director Matibag

Pagbubunyag ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, na nadiskubre ang mga bangkay nang isagawa ang unang otopsiya sa labi ni Jun Villamor.

Ayon kay Remulla, iniimbestigahan na ang sanhi ng pagkamatay ng mga natagpuang bangkay.

Read More:  More than 1,100 PNP personnel face penalties amid internal cleansing drive

Dagdag ng kalihim na ang presensya ng criminal organization sa loob ng NBP ay pinag-aaralan narin.

Kaugnay nito, kinumpirma rin ng mga tauhan ng punerarya na sa kanila dinadala ang mga bangkay mula sa New Bilibid Prison. //MPT