PH, nagtala ng 1,190 new COVID-19 cases; Active tally, bumaba sa 23K

Naiulat ng Department of Health ang 1,190 na mga bagong kaso ng COVID-19 at 2,759 new recoveries, dahilan para bumaba ang bilang ng active infections sa bansa sa 23,846.

Ang active case count ay ang pinakamababa simula sa 23,532 noong January 12.

Read More:  Cayetano seeks suspension of NBI Chief Matibag

Ang mga bagong kaso naman ang nagdala sa kabuoang caseload na 2,820,494.

Mula naman sa 23,000 active cases, 58.1% dito ang mild, 5.2% ang asymptomatic, 12% ang severe, at 5% ang nasa kritikal na kondisyon.

Read More:  VP Sara camp ready for Senate impeachment trial

Samantala, tumaas ang kabuoang bilang recoveries 2,750,531, dahil sa mga bagong gumaling mula sa virus, habang ang death toll ay umakyat sa 46,117, matapos maitala ang 309 na mga bagong fatalities. //MHEL PACIA-TRINIDAD