PH, hindi pa umano lubusang handa sakaling tumama ang “The Big One”

Hindi pa umano lubusang handa ang Pilipinas sakaling tumama ang “The Big One”.

Ito’y kung si Civil Defense Administrator, Undersecretary Ariel Nepomuceno ang tatanungin patungkol sa paghahanda ng bansa sa pagtama ng magnitude 7.2 na lindol.

Read More:  President may appoint senator or lawmaker as replacement if VP Sara is impeached

Aniya, para lubusang maging handa , kinakailangang mahigpit na sundin ang building at structural code of the Philippines, ilikas ang mga residenteng naninirahan sa mga vulnerable o landslide prone areas at palagiang awareness campaign kasama na ang pagsasagawa ng Earthquake drill.

Sa pag-aaral na isinagawa ng Japan International Cooperation Agency nuong 2014 nasa 30,000 – 50,000 ang magiging casualties saka sakaling tumama ang The Big One sa Metro Manila.

Read More:  ICC confirms rare “fall” incidents involving former PRRD in detention

Ngayong araw ay isinasagawa ang symposium na pinangungunahan ng OCD bilang paghahanda na rin para sa nalalapit na 2nd Nationwide Simultaneous Earthquake Drill na gagawin bukas.