PH at US, mananatiling matatag ang ugnayan kung sino man ang manalo sa Halalan

Tiniyak ni Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez na mananatiling matatag ang ugnayan ng Pilipinas at Estados Unidos kahit sino pa ang manalo sa halalan sa US.

Read More:  OVP’s ₱785.2 million budget passes Senate committee in 16 minutes

Ayon kay Romualdez, wala siyang nakikitang malaking pagbabago sa mga patakaran ng US kaugnay sa kanilang alyansa.

Aniya, nakipag-usap na ito sa mga kampo nina Republican nominee Donald Trump at Democratic nominee Kamala Harris.

Read More:  Philippine peso hits record intraday low of ₱63.15 per dollar

Sa ngayon, mananatili naman raw ang foreign policy kung sino man ang ihalal bilang bagong Presidente ng US.