PAGASA, sinabing may Bagyo sa unang linggo ng Nobyembre

Kinumpirma ng PAGASA na mataas ang tsansa na mabuo ang isang tropical cyclone sa unang linggo ng Nobyembre.

Sa latest advisory ng PAGASA, mayroong tropical cyclone-like vortex na nakikita sa timog na bahagi ng kanilang monitoring domain mula Nobyembre 3 hanggang 9.

Read More:  House prosecutors say VP Sara Duterte’s high ratings won’t affect impeachment trial

Inaasahan na papasok ang tropical cyclone sa southeastern boundary ng Philippine Area of Responsibility (PAR) at maaaring tawagin itong “Marce.”

Dagdag pa ng PAGASA, mayroon ding dalawang tropical cyclone-like vortices na lumalabas sa silangang bahagi ng monitoring domain na may mababa hanggang katamtamang tsansa na maging bagyo mula Nobyembre 10 hanggang 16.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Sa kasalakuyan, inaasahan ang isa o dalawang bagyo sa bansa ngayong buwan.