Pfizer, nagsumite na ng EUA application para sa COVID vax para sa 5-11 age group

Kinumpirma ng Food and Drug Administration na nagsumite na ang Pfizer ng aplikasyon para sa emergency use authorization ng kanilang COVID-19 vaccine para sa mga batang may edad lima hanggang 11 taong gulang.

Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, ang emergency application ay maaring maaprubahan bago matapos ang taon.

Read More:  Death toll from Typhoon Inday, Habagat climbs to 18

Ang Pfizer ay isa sa mga brands na kasalukuyang ginagamit para sa vaccination ng mga adolescents mula 12 hanggang 17-taong gulang.

Una nang sinabi ng Department of Health na target ng gobyerno na mabakunahan ang 13.5 million na mga bata mula sa naturang age group, sa oras na aprubahan ng FDA ang emergency use ng COVID-19 vaccines.

Read More:  BSP warns public against photocopying Philippine banknotes

Matatandaan na inirekomenda ng United States FDA ang pag-gamit ng Pfizer para sa COVID-19 vaccination ng mga bata sa naturang age group. //MHEL PACIA-TRINIDAD