MMDA, naglabas ng mga panuntunan para sa motorcades at caravans

Naglabas ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng panuntunan para sa pagsasagawa ng motorcades o caravans sa capital region, para matiyak ang kapakanan ng mga road users.

Sa kanilang panuntunan, sinabi ng MMDA na ire-regulate ng ahensya, i-evaluate, at mag-iisyu ng permits sa pamamagitan ng Office of the General Manager for operations, kung kinakailangan, para sa pagsasagawa ng motorcades at caravans sa major thoroughfares sa Metro Manila.

Read More:  Bondoc slams NBI labeling of Sen. Bato as ‘armed and dangerous’

Samantala, ang local government units naman ay dapat i-regulate, evaluate, at mag-issue ng permits para sa naturang aktibidad sa lahat ng iba pang daan.

Ayon sa MMDA, ang motorcades at caravans ay gagawin lang sa panahon ng weekends at holidays mula alas 5 a.m. hanggang 10 a.m.

Read More:  Ombudsman recommends plunder case vs Marcoleta

Maliban dito, kailangan rin mag-comply ang mga organizers ng motorcades sa Land Transportation and Traffic Code, rules and regulations ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board, at panuntunan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases sa health protocols laban sa COVID-19. //MHEL PACIA-TRINIDAD