Perpektong hugis bilog na itlog ng manok, nadiskubre sa United Kingdom

LABIS ang pagkamangha at pagkagulat ng ginang na si Annabel Mulcahy mula sa West Oxfordshire, United Kingdom nang kanyang madiskubre na nangitlog ng isang perpektong hugis bilog na itlog ang kanyang alagang manok.

Sa panayam kay Mulcahy, sinabi nitong hindi siya makapaniwala nang kanyang makita ang itlog ng kanyang alagang rescue hen na si Twinskie.

Dahil sa nadiskubre, agad umano siyang nag research sa internet tungkol dito at mas lalo niyang ikinamangha ang kanyang napag-alaman.

Lumalabas kase sa pag-aaral ng mga eksperto na isa lamang mula sa isang bilyong itlog ang maaaring maging hugis bilog kung kaya’t maituturing ay hindi pangkaraniwan.

Ayon kay Mulcahy, napag desisyunan niyang ibenta ang bilog na itlog ng kanyang manok, kung saan sa kasalukuyan ay umabot na sa 480 sterling pounds o katumbas ng mahigit P34,000 ang presyong iniaalok ng mga potential buyers para sa nasabing itlog.### JDR, BNFM BICOL