Permit at Notice of No Objection ng ni-raid na POGO sa Pampanga, pirmado raw ni Mayor Capil

Pirmado ni Porac Mayor Jaime Capil ang permit at lisensiya ng POGO na sinalakay sa Pampanga nitong nakaraang linggo.

Una ng sinabi ng alkalde na lehitimong negosyo ang pakilala ng Lucky South 99 noon.

Itinanggi din niya na may kinalaman siya sa POGO at nag-alok ng tulong sa Presidential Anti-Organized Crime Commission sa imbestigasyon.

Hihingiin naman ng PAOCC sa lokal na pamahalaan ang record at dokumento ng naturang kumpanya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *