Pelikulang ‘Rewind,’ opisyal nang highest grossing film sa bansa

Opisyal ng highest grossing Filipino film sa bansa ang 49th Metro Manila Film Fest entry na “Rewind,” matapos makalikom ng P815-million.

Nahigitan nito ang local box office records na naitala ng “Hello, Love, Goodbye” noong 2019 at “The Hows of Us” noong 2018, na may P691 milyon at P690 milyon.

Read More:  Cristine Reyes, Gio Tingson are Engaged

Sinabi ng mag-asawang sina Marian Rivera at Dingdong Dantes na ang box office success ay nagpapatunay lang ito na naantig ang mga Pilipinong nanunod sa istorya ng kanilang pelikula.

Read More:  Alex Gonzaga, Mikee Morada announce pregnancy

Pinaka importante anila ang maipakalat ang mensahe ng pelikula at tumatak sa kanilang puso, dahil bonus na lang sa kanila ang figures na kanilang nakamit.