Pelikulang One More Chance, gagawing musical ng PETA sa 2024

Inanunsyo ng Philippine Educational Theater Association (PETA) na ang 2007 blockbuster film na “One More Chance” ay gagawin nilang musical play.

Itatampok nito ang mga kanta mula sa nine-member indie-folk band na Ben & Ben.

Read More:  Regine announces free final major solo concert

Walang karagdagang detalye ang isiniwalat ng PETA, maliban sa nakatakdang pagtatanghal nito sa Abril 2024.

Isinagawa ang anunsyo sa final curtain call ng stage play na “Walang Aray,” kung saan nagkaroon rin ng surprise performance ang Ben & Ben sa kanilang mga hit songs na Kathang Isip at Araw Araw.

Read More:  Netflix director sentenced in $11 million fraud case

Photo from PETA.