Peace and order situation, mas bumuti sa ilalim ng administrasyong Duterte ayon kay Año

Naniniwala si Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na bumuti ang peace and order situation ng bansa sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa isang Pre-SONA forum, ay ipinunto ni Año na bumaba ang crime volume sa unang semestre ng 2021 kumpara sa naitalang ikalawang semestre ng 2016, bago nakaupo ang Pangulo sa pwesto.

Read More:  NBI subpoenas four in alleged Bato escape probe

Ayon kay Año, noong 2016 ay tinatayang nasa 295,580 ang crime volume, na higit na mas mataas kung ikukumpara sa 193,103 ngayong unang semestre ng 2021.

Ipinunto rin ng kalihim ang 2020 Global Law and Order survey ng American analytics firm na Gallup, kung saan ay naipakita na kinokonsidera ang Pilipinas bilang isa sa mga pinakaligtas na bansa sa buong mundo.

Read More:  Palace withholds judgment on VP Sara impeachment trial

Ibinase ang naturang survey sa pakiramdam ng mga mamamayan na suka ay ligtas, at sa kumpyansa ng mga ito sa pulisya ng bansa.

Sa kabila ng paniniwala ng kalihim ay makikita naman sa isang international monthly magazine na Global Finance, na pumwesto ang Pilipinas sa listahan ng safest countries in the world sa pinakamababang pwesto.