PDRF, nakahanda kung sakali mang kailanganin ang tulong kaugnay ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon

LEGAZPI CITY – Nakahanda ang Philippine Disaster Resilience Foundation (PDRF) sa pagtulong sa lalawigan ng Albay kaugnay ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon.

Ang PDRF ay coordinator ng mga pribadong sektor lalo na pagdating sa disaster risk reduction and management sa bansa.

Ayon kay PDRF Disaster Risk Management Specialist na si Arnel Capili, handa ang kanilang mga kasamahan sa pagpapaabot ng tulong sa mga bakwit katuwang ang iba’t ibang mga pribadong sektor.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Ayon pa kay Capili, kung ano ang nakikita nilang kakulangan, iyon ang uunahin nilang tugunan.

Problema umano sa tubig ang batid nilang pinakasuliranin ngayon sa mga evacuation centers kung kaya’t ito ang naisip nilang tutukan.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Sinabi naman niya na hindi ito ang magiging una at huling tulong na ibibigay sa lalawigan, dahil nakahanda rin sila sa pagtugon sa iba pang sitwasyong nakakaapekto sa mga pamilang nasa loob ng mga evacuation centers.

Una na ring nakipag-ugnayan ang PDRF sa lalawigan para sa posibleng suporta na maaari nilang maibigay lalo na sa mga pangunahing pangangailangan ng mga bakwit.