PDL na nakatakas mula sa Iwahig Prison – nahuli na

Hawak na ng mga tauhan ng Iwahig Prison and Penal Farm (IPPF) ang isang Person Deprived of Liberty na si Jaime Calicdan Sanchez na tumakas kahapon ng hapon sa piitan sa Puerto Princesa City.

Ito ay nahuli sa bayan ng El Nido, Palawan bandang ala-una ng hapon nitong Sabado, Ika-15 ng Hunyo.

Si Jaime ay may kasong Murder at kabilang sa minimum security category ayon sa tagapagsalita ng IPPF na si Eden Flores Larawan.

Samantala, nakatakdang ibalik sa kulungan ang takas na PDL anumang oras. (with reports from SARAH PELAYRE – 103.1 BNFM PALAWAN)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *