Kinumpirma ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa naging pagdinig ng Senate Committee on Public Order and Dangerous na totoong nakatakas ngayong umaga ang pitong preso sa kanilang detention facility sa Zamboanga City.
Ito ay bilang tugon sa kwestyon ni Senador Christopher ‘Bong’ Go tungkol dito.
Alinsunod nito, hinikayat ni Go ang publiko at gobyerno na magtulungan sa pagresolba rito at maging sa paglaban sa illegal na droga sa bansa.
Anya, kung hindi ito masusugpo ay masasayang lang ang mga ipinatupad ng administrasyong Duterte.
Manhunt operations, ikinasa na ng mga otoridad sa 7 PDLs na nakatakas jail facility ng PDEA sa Zamboanga City
Nagkasa na ng manhunt operation ang mga otoridad sa sa pitong persons deprived of liberty na nakatakas umano sa jail facility ng PDEA Regional Office 9 sa Zamboanga City kaninang madaling araw.
Sa insiyal na ulat ng Zamboanga City Police Office, nadiskubre ng prison guard ang jail break mag aalas tres ng madaling araw kanina
Sa isinagawang inspeksyon, natuklasang iisa na lamang PDL nag naiwan sa pasildiad.
Sa inisyal naimbestigasyon, lumalabas na gumawa ng maliit na butras sa kisame ang mga suspek na ginamit nila sa kanilang pagtakas.
Bumuo na ng tracker team ang PDEA upang ma locate at maaresto ang mga suspek.
Ang pito ay naaresto nitong May 3 sa buy bust operation sa Bgy Mampang sa nabanggit na lungsod kung saan nakumpiska ang nasa 21.4 kilos ng shabu na may tinatayang halaga na 145. 5 million pesos.