PDEA-12 nagbabala laban sa online drug selling

KORONADAL CITY- NAGBABALA ang Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA Region 12 sa mga mamamayan laban sa pagbebenta ng ilegal na droga online.

Ayon kay PDEA 12 Information Officer Katryn Gaye Abad na ito ay dahil mayroon silang mga namomonitor na nagbebenta ng ilegal na droga gamit ang social media o Facebook partikular sa General Santos City.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Aniya, modus ng mga online drug traffickers ang paggawa ng fake social media account, pagtanggap ng payment online at pag-set ng isang lugar kung saan maaaring makuha ng buyer ang item o drugs.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Nanawagan din si Abad sa mga magulang na i-monitor ang mga pinapasukang social media page at sites ng kanilang mga anak.

Umapela din ito sa lahat na maging alerto at i-report sa mga kinauukulan kung may mga impormasyon kaugnay sa online drug selling.