PCSO, ire-review ang patakaran sa pagpo-post ng litrato ng mga nananalo sa lotto

Ire-review ng Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO ang kanilang patakaran ukol sa pagsasapubliko ng litrato ng winning bettors sa Lotto draw.

Sa pagdinig ng House Committee on Ways and Means, napag-usapan ang kontrobersyal na litratong inilabas ng PCSO para sa nanalo ng 43 million pesos sa Lotto 6/42.

Read More:  DepEd completes nationwide orientation on reforms for SY 2026–2027

Inungkat sa pagdinig ang “photoshopped” na larawan ng isang lotto winner na pinagpiyestahan sa social media at umani ng iba’t ibang reaksyon.

Ayon kay Atty. Katrina Contacto, tinitiyak ng PCSO sa publiko na totoo ang mga nananalo sa lotto ngunit marami sa kanila ang nangangamba para sa seguridad.

Nang tanungin ni Ways and Means Committee Chairman Joey Salceda kung bakit hindi na lang itigil ang pagpo-post ng litrato ng lucky bettors, sinabi ng PCSO na kanilang ire-review ang “practice” na ito.

Read More:  NMC: PH activities in Pag-asa and Lawak Islands are ‘legitimate exercises’

Muli namang iginiit ng ahensya na kinailangan lang palitan ang damit ng mga nanalo para sa security reasons ngunit lehitimo o totoong tao ang nakakakuha ng jackpot.