Nilinaw ng Presidential Communications Office o PCO na hindi gagamitin ang Bagong Pilipinas kick-off rally para itulak ang Charter Change o chacha.
Sa Saturday News Forum kaninang umaga, sinabi ni PCO Undersecretary Gerardo Baria na ang Bagong Pilipinas kick-off bukas sa Quirino grandstand ay aktibidad ng Executive Department.
Pagpapakita raw ito ng commitment ng Executive Department na gawin ang kanilang trabaho at imbitahan ang publiko na makipag participate tungo sa Bagong Pilipinas.
Samantala, welcome din anya sa PCO ang kasabay na aktibidad na isasagawa sa Davao city ng pamilya Duterte.