20 Punong Barangay sa Milaor, Camarines Sur inabisuhang kompletuhin ang mga basic needs ng mga bagong training na mga barangay tanod sa basic life support

CAMARINES SUR – Apat na araw ding isinailalim sa training at seminar ang mga barangay tanod sa 20 barangay ng Milaor, Camarines Sur na nagsimula noong Lunes at nagtapos naman sa araw ng Huwebes na ang pinakalayunin ay dapat na may-alam ang mga ito sa Basic Life Support.

Kasabay ng pagtatapos sa training ng mga Barangay Tanod, agad namang naglabas ng abiso ang Municipal Disaster RisK Disaster Management Office na dapat bilhin na rin ng mga Punong Barangay ang mga kailangan na gamit ng mga ito, para agad na ma i-apply ang mga natutunan sa training.

Read More:  ₱3.7M worth of suspected marijuana seized in Cebu City

Sa pakikipag-usap ng Brigada Naws FM Naga kay Edwin Olitoquit, Head ng MDRRMO, sinabi nitong handang-handa na ang mga barangay tanod na gawin ang kanilang trabaho, mula sa pagsasalba ng buhay sa akksidente at sa kalamidad.

Read More:  Veteran broadcaster found dead inside parked car in Cebu City  

May sapat aniyang pondo ang mga barangay sa Disaster Management, na dapat galawin na para magamit ng mga barangay tanod sa pag duty ng mga ito, lalo na ang mga nasa tabi ng ilog para maiwasan ang insedente ng pagkalunod.