Matagumpay na naidaos ang paglalatag ng mga buoy sa ilang mga islang bahagi ng teritoryo ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
Pinangunahan ni Philippine Coast Guard Commandant Adm. Artemio Abu ang arrival honors ng mga barkong BRP Corregidor, BRP Bojeador, BRP Suluan, BRP Capones, at Tug Boat Habagat sna bahagi ng makasaysayang ‘buoy laying operations’.

Inilatag ng PCG ang limang mga 30-foot-long navigational buoys na mayroong naka-paskil na Watawat ng Pilipinas sa limang isla sa WPS kabilang na ang Lawak Island, Likas Island, Parola Island at sa Pag-asa Island.





Ibig-sabihin, ang mga buoy na ito ay magsisilbing sovereign markers – hudyat na bahagi ito ng special protected zones.
Dahil dito, mahgpit na ipagbabawal ang mga exploration at mining sa mga lugar na ito nang walang pahintulot sa Pilipinas.






Kinumpirma naman ni Adm. Artemio na naging mapayapa ang naturang misyon, at nirespeto ng mga barko ng iba pang claimants gaya ng Vietnam at China ang paglalatag nila ng mga marker.
Samantala, pinaghahandaan na rin sa ngayon ang paglalagay ng iba pang mga navigational buoys sa iba pang teritoryo ng Pilipinas na bahagi ng exclusive economic zone o EEZ kabilang na ang Benham Rise at iba pang mga lugar sa WPS.
#