PCG, patuloy pa ring pinaghahanap ang 1 lalaking nahulog sa dagat sa bahagi ng Batangas

Pinaghahanap pa rin ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isang bente-sais anyos na lalaking nahulog umano mula sa isang cargo-passenger vessel sa bahagi ng Batangas.

Read More:  DILG to enforce DOJ order to arrest Bato Dela Rosa

Nakilala ito bilang si Ralph Bernard Gerona, residente ng Iloilo City.

Sa imbestigasyon ng PCG – lumabas na nahulog si Gerona mula sa MV Maligaya sa bahay ng Calatagan kahapon ng hapon.

Read More:  President may appoint senator or lawmaker as replacement if VP Sara is impeached

Nag-assist na rin ang iba pang mga barko at substations ng PCG para hanap ang nawawalang sakay.