PCG – nangakong ‘di maghihiganti sa China

Kung paulit-ulit na mangha-harass ang China – paulit-ulit din na magsasagawa ang Philippine Coast Guard (PCG) ng mga resupply mission.

Ito ang idiniin ni PCG spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela matapos ang panibagong pambobomba ng tubig ng China Coast Guard sa kamakailang humanitarian mission nila, kasama ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources.

Read More:  PNP identifies two suspects in Mima Alicia killing

Sa isang pulong balitaan – sinabi ni Tarriela na ‘di sila magpapatinag sa mga pinaggagagawa ng China.

Magpapatuloy pa rin daw ang paghahatid nila ng ayuda sa mga mangingisda, at supplies sa mga tropang naka-poste sa BRP Sierra Madre.

Read More:  AFP rejects China Coast Guard claims on Ayungin Shoal incident

Sa huli – nanindigan si Tarriela na hindi ang Pilipinas ang magu-umpisa ng gulo sa West Philippine Sea.

Aniya, hindi sila gagawa ng ano mang hakbang na magpapainit ng tensyon at magpapalala pa ng sitwasyon sa mga pinag-aagawang teritoryo.