PCG, hindi raw pasisindak sa ‘The Monster’ ship ng China; BRP Teresa Magbanua – ‘di raw ipu-pullout

Nanindigan ang Philippine Coast Guard (PCG) na hindi nila ipu-pull-out ang kanilang barkong nagbabantay sa West Philippine Sea.

Ito’y kasunog ng namonitor na presesniya ng “monster ship” o ang pinakamalaking barko ng China Coast Guard sa WPS.

Read More:  Tarriela condemns Chinese media’s ‘monkey’ video allegedly depicting the Philippines

Ayon kay PCG Spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela, posibleng intimidation daw ang pakay ng China sa paglalayag ng monstership.

Pero sabi ni Tarriela, hindi kailan man mai-intimidate ang PCG sa presensiya ng China Coast Guard at People’s Liberation Army Navy vessel sa WPS.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Malinaw aniya ang utos sa kanila ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na panatilihin ang presensiya ng Pilipinas sa WPS.